Sunud-sunod ang storycon ng mga bagong project ng GMA 7. Nauna ang storycon ng Futbolilits noong Lunes, sinundan ng storycon ng Jump last Tuesday at kahapon, naka-schedule ang storycon ng Iglot nina Claudine Barretto, Marvin Agustin, Luis Alandy, at Jolina Magdangal.
Sina Mark Reyes at Andoy Ranay ang director ng Jump, ang first danceserye ng GMA 7 na mala-Step Up ang dating at tampok ang tambalan nina mark herras at Kris Bernal.