Gumigiling na ang camera sa pagsisimula ng pinakabagong offering ng Kapuso Network na Footbulilits.
Kahapon lamang ay nagtaping ito sa isang resort sa Zambales. Guest role lang ang gagampanan ni Ehra Madrigal dito bilang asawa ni Raymart Santiago dahil mamamatay siya agad rito.
Hindi pa man nagsisimula ito pero marami na ang excited. Ito ang sinasabing papalit sa iiwang slot ng Magic Palayok.