Ipinakita nga kanina sa Party Pilipinas Tweenvasion na hindi lang magaling umarte si Derrick Monasterio, magaling din siyang kumanta.
Marami ang mga positive feedbacks kaming narinig sa pagkanta niya ng “Broken Vow” kanina sa birit prod ng Party Pilipinas. Sinabi niyang ninenerbyos siya pero naging maganda naman ang pagkakadeliver niya sa kanta. Kitang-kita naman na may talent siya sa pagkanta at suportado siya ng mga kasamahan niya sa Tweenhearts na sina Bea Binene, Jake Vargas, Barbie Forteza, Joshua Dionisio at iba pa niyang kasama habang nagpeperform siya sa stage.
Balita namin ay may niluluto nang isang album sa kanya ang Warner Music Philippines na nakita ang kanyang potensyal.