Mismong ang ina na ni Andi Eigenmann ang umamin sa interview sa TV Patrol (see the link) na buntis ang anak niyang si Andi na ngayon ay napapanood sa teleseryeng “Minsan Lang Kita Iibigin” ng ABS-CBN.
Unang nakilala sa telebisyon si Andi sa teleseryeng “Prinsesa ng Banyera” sa ABS-CBN kung saan si Kristine Hermosa ang bida. Sumunod doon ay ang pagpasok niya sa Bahay ni Kuya sa “Pinoy Big Brother” at mas lalo pa siyang nakilala sa “Agua Bendita” at kasalukuyang may teleserye ngayong “Minsan Lang Kita Iibigin”.
Sa ngayon ay ineexpect na mamamahinga muna si Andi mula sa teleserye at cancelled na rin ang mga nakaline up na movies para sa kanya.
Hindi pa napapangalanan kung sino ang ama ng ipinagdadalang-tao ni Andi. Una nang naipabalitang si Jake Ejercito at ngayon nama’y si Albie Casiño ang naiisip ng ilan. Pero nagbigay naman ng clue ang nanay ni Andi na ito raw ang kanyang first boyfriend.
Naririto naman ang personal message ni Andi para sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya:
“I’m happy so don’t worry. Pls don’t judge and assume stuff. It was all cleared by my mom earlier.I just hope people would stop assuming and say stuff. Again, I’m happy.. Let’s all be! Goodnyt”