Sa isang text interview kahapon namin kay Schai Sigrist ng grupong Pop Girls, pinabulaanan niyang tinanggal na siya bilang miyembro ng grupong Pop Girls. Sa Party Pilipinas lang daw siya wala dahil sa conflict ng show nilang Bagets sa TV5.
Decision daw ng GMA7 at Viva Artist Agency ang dahilan kung bakit siya hindi nakakapagperform kasama ng Pop Girls sa Party Pilipinas.
Natanong din kung anong masasabi niya sa mga bagong miyembro ng Pop Girls na sina Aubrey at Carlyn at ito lang ang nasabi niya, “Magaling sila lalo na sa pagkanta”.