“Utang na loob ko po sa ABS ang start ko sa showbiz at nabigyan naman nila ko ng magagandang roles like in ‘Tayong Dalawa’,” she says.
“Kaya lang po, kahit three years na ko with them, di na tinaasan ang talent fee ko, P5,000 per taping day pa rin.
Di naman sa mukha akong pera kaya lang, I saw yung ibang mas bago sa ’kin, mas malaki pa ang bayad kahit pareho lang ang ginagawa namin.
Pinasabi ko naman ito sa Star Magic but there’s no action, so hindi na ako happy, lalo na pag location pa ang taping. Like sa Subic, you spend P2,000 sa gas. Magkano na lang matitira sa ’kin?”