May bagong ultimate hunk ang GMA 7 sa katauhan ni Mikael Daez pero hindi siya tinatanggap na threat ni Aljur Abrenica, kahit pa ito ang sinasabing binibigyan ng priority ngayon ng istasyon.
Bakit nga naman niya katatakutan ito eh napakahaba at mahirap na proseso ang kanyang pinagdaanan bago niya naabot ang tagumpay.
Masyado ng secure si Machete sa kanyang estado kung kaya hindi na niya kinaiinsekyuran ang mga naglalabasang mga bagong artistang lalaki, Kapuso man o hindi.
Mag-aalala siya kung hindi na siya binibigyan ng proyekto ng GMA pero so far hindi naman siya nababakante. At magaganda ang mga planong alam niya at sinasabi sa kanyang nakatakda niyang gawin dito.