Kasama sa May line-up shows ng GMA-7 ang exclusive coverage at other behind-the-scene footages ng Manny Pacquiao-Shane Mosley fight na mapapanood sa network sa May 8.
Sa time slot ng Show Me Da Manny ipalalabas ang special at isa pang special after Manny’s fight.
Bilang suporta kay Manny, lilipad ang GMA Network top executives sa pangunguna ni Atty. Felipe Gozon para panoorin ang laban ni Manny.
Nilinaw din ni Ms. Wilma Galvante na Kapuso pa rin si Manny at pagbalik nito, pag-uusapan na ang gagawin nitong game show na balitang si Isabelle Daza ang magiging co-host.