Kakasign lang ng kontrata ni Gretchen Barreto sa ABS-CBN at ready na muli siyang gumawa ng teleserye. Alta ang working title ng teleseryeng ito kung saan kasama naman niya sina Angelica Panganiban, KC Concepcion, Zanjoe Marudo, Sam Milby at Luis Manzano.
Si Claudine naman ay nag-agree na sa story na ibinigay sa kanya ng Drama Department ng GMA7. Fantaserye raw ang susunod na project na niya sa GMA7. Wala pang definite title at makakasama niya sa seryeng ito.
Magkakataon na naman bang magkakasagupa na naman sila sa timeslot since siguradong pang primetime ang quality ng dalawang teleryeng ito considering sa mga lead stars?