Kahapon ang 31st birthday ni ValenzuelaCity Councilor at Willing Willie co-host Shalani Soledad. Isang surprise birthday party ang inihanda ni Willie Revillame at ng Will Productions staff para kay Shalani noong Martes nang gabi sa Gazebo Royale, Visayas Avenue, QC.
Walang kamalay-malay si Shalani sa sorpresa na naghihintay dahil ang pagkakaalam niya, ang birthday party ni TV5 President Ray Espinosa ang kanyang pupuntahan sa Gazebo Royale.
Nanggaling si Shalani sa birthday dinner niya sa isang restaurant sa QC bago siya tumuloy sa venue ng surprise birthday party.
Ang nanay ni Shalani na si Evelyn San Ramon ang punong-abala sa pag-aasikaso sa mga bisita at siya rin ang kakuntsaba ng Will Productions staff sa pag-iimbita sa mga malalapit na kaibigan ng kanyang anak.
Early birds sa asalto para kay Shalani sina Lolit Solis, Viva Group of Companies big boss Vic del Rosario and daughter Veronique, TV5 EVP Bobby Barreiro at ang mga co-host ng Willing Willie.
Namataan din sa party sina Senator Manny Villar at ang kanyang anak, si Cong. Mark Villar at ang mga lawyer ni Willie.
Past 10:30 p.m. nang dumating si Shalani na gulat na gulat dahil hindi niya inaasahan na makikita sa party ang mga kaibigan at constituents niya sa Valenzuela City. Pinasalamatan ni Shalani si Willie, ang kanyang Willing Willie family at ang mga sponsor ng programa nila na sinasabing magbabalik sa ere sa May 7.
Naghanda ng souvenir ang staff ng Will Productions para sa mga bisita ni Shalani. Ang kanilang mga ipinamigay? Unilever products, isang pruweba na suportado pa rin si Willie at ang kanyang show ng sikat na kumpanya.