Lahat na lang yata naging kalaban ni Willie Revillame. Mula sa dati niyang TV Network (ABS-CBN) hanggang sa MTRCB sa pangunguna ni dating Chairman Laguardia. This time, ang mismong advertisers ang nakabangga niya nang mag-decide ang JFC na i-pull out ang Mang Inasal ads nila sa Willing Willie dahil sa nangyaring insidente sa show which they considered as child abuse.
Ito ’yung pinagsayaw sa show ni Willie ang 6-year- old-boy na si Janjan kapalit ng P10K cash. Ibang usapan na ito dahil ang advertisers na mismo ang umaangal. Eh, alam natin na ang ikinabubuhay ng isang TV show ay ang ads placements or commercials.
Mukhang some advertisers are following suit.
Nagpaplano na rin daw ang Oishi na mag-pull out.
Dapat magawan na ito ng paraan ni Willie, as soon as possible. Dapat sigurong maghinay-hinay ulit si Willie and play the good-boy-image again kung gusto niyang bumango ulit ang image niya sa publiko at sa advertisers.
Hindi pa ba siya nakahahalata? Konting pagkakamali niya, nagtutulungan ang mga nakaaway niya para siya ay ibagsak. But knowing Willie, lagi siyang palaban at may sariling game strategies.
Kakampi raw kasi niya lagi ang lahat ng mahihirap na umaasa sa kanyang dole-outs sa show (which ironically speaking ay galing sa kanyang advertisers).