Pag-iinitin ng ASAP Rocks ang inyong summer ngayong Linggo sa mga nagbabagang sorpresa.
Isang nakakapasong performance mula sa ASAP All Star Kapamilya back to back ng all out concert performance nina Billy Crawford at Sarah Geronimo.
Pangungunahan ng Box-Office King na si Vic Sotto ang cast ng pinakamalaking comedy movie ngayong summer Pak, Pak, My Dr. Kwak.
Big birthday blowout naman ang handog ni Luis Manzano kasama ang mga kaibigang sina Toni Gonzaga, Anne Curtis, Nikki Gil at Sarah G. Haharanahin ng mga finest balladeers ng ASAP ang naggagandahang dilag ng bansa, Venus Raj back to kasama ang mga tinanghal na bagong reyna ng Binibining Pilipinas- Binibini Universe Shamcey Supsup, Binibini International Dianne Necio at Binibini Tourism Isabella Manjon.
Humanda naman sa malupit na ASAP SOS ng Pop Star Princess na si Sarah Geronimo.
Pagliliyabin naman ng Summer Dance Diva na si Cristine Reyes ang dancefloor sa isang sexy performance. Magbubukas ang Summer Dance U class kasama ang mga all time favorite dance groups ng bansa – ang UMD, Streetboys, Maneouvers at Sexbomb sa isang spectacular number. Ihahataw din ang hottest summer dance craze. Kukumpletuhin ang best summer acts mula kina Zsazsa Padilla, Yeng Constantino, Jed Madela, Erik Santos, Christian Bautista, Sarah G. at Gary V. ASAP Rocks Summer ngayong Linggo, 12:13 ng tanghali.