Iba ang atake ng location nila dahil dinarayo nila ang mga lugar (nakita namin ‘yung Tutuban mall at Commonwealth episodes) para doon pag-usapan ang kanilang topic for the day.
Nasilip namin ang Monday at Tuesday episodes nito at masasabi naming so-on, talagang direkta nitong makakabangga ang show ng kafatid din naming si Tiyang Amy Perez.
Halos pareho ang content ng shows na nabanggit at kapwa mahuhusay sina Ate Ali at Tiyang Amy bilang hosts. Medyo naloka lang kami last Monday nu’ng magsimula ito dahil sabay naming tinutukan ang GMA7 at TV5 kaya nahilo kami sa daldalan at palitan ng mga opinyon, hahaha!
Last Tuesday, ibang klase si Marlene Aguilar dahil ta-lagang nakipagsabayan siya sa galit at inis ng mga tao.
Mama Ali ang tawag kay Ate Ali at Papa Jack siyempre ang paborito naming ra-dio personality na hinihintay naming mag-cope sa sis-tema ng TV talkshow dahil gaya ni Ate Ali, he has the wit, intelligence and appeal to make it bigger sa TV.