Malakas ang kutob ko na magiging matagumpay ang Celebrity Ukay-Ukay project ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez dahil mga bonggang items na pag-aari ng mga sikat na artista ang kanilang ibebenta.
May mga damit na Gucci ang brand, mga bag na Louis Vuitton at kung anik-anik pa.
Sure ako na dadayuhin at dudumugin ng mga tao sa April 15 hanggang April 17 ang World Trade Center dahil ito ang venue ng Celebrity Ukay-Ukay.
Hindi dapat mag-expect ang mga fans na makikita nila si Regine sa bonggang event dahil complete rest ang advice ng kanyang mga doktor.