Nagtanggal na rin ang isang major sponsor sa Willing Willie – ang Procter and Gamble. Nasa controversy ngayon ang show ni Willie Revillame sa TV5.
Dahil ito sa batang nagsayaw ng macho dancing habang umiiyak. May mga grupo na nagtatawag sa mga advertisers to pull out their advertisments and sponsorships. Unang nagtanggal ng sponsorship ang Jollibee (Mang Inasal).
Ang Procter and Gamble ang makers ng mga sikat na produktong Tide, Safeguard, Vaseline, Pantene, Joy, etc. Ang Vaseline ang isa sa mga sponsors ng show. Nung lumipat si Willie Revillame mula ABS-CBN papuntang TV5 hindi sumama ang Safeguard at Rejoice na produkto ng P&G. Tanging Vaseline lamang ang sumama sa Willing Willie.
Ang major sponsors na nasa Willing Willie pa hanggang ngayon ay – Liwayway Marketing Corp (Oishi), Cherry Mobile, at CDO Foodsphere Inc. Ang Cignal Satellite TV ay major sponsor ng show pero ito ay sister company ng TV5. Sino kaya ang susunod?