Kumalat ang tsikang nagpakasal na ang magkasintahang Rich Alvarez at Kyla.
May nakakita kasi sa kanila sa tanggapan ni Mayor Jun Jun Binay ng Makati at doon nagsimula ang tsismis na nagpakasal sila.
Tinanong namin ang manager ni Kyla na si Arnold Vegafria, wala siyang kaalam-alam na may ganung pangyayari. Ang alam niya, abala si Kyla sa mga singing engagements kaya wala siyang kamalay-malay na nagkaroon na ng civil wedding.
Basta ang alam niya, abala ngayon ang magkasintahan sa paghahanda sa kanilang church wedding na gagawin sa December ngayong taon.
Kung sabagay, puwede naman silang magpa-civil wedding muna bago ang kasal sa simbahan dahil matagal na rin namang hinihintay sa kanila ang kasalan.
Wala pang sagot ang magkasintahan sa isyu.