Sinorpresa ng mga Perillous Rockstars (Fans ni Jay Perillo) ang kanilang idol kamakalawa lamang pagkatapos ng Party Pilipinas TRIP noong Linggo.
Ito ay ang kanilang surprise birthday party na nagcelebrate ng kanyang ika-23 kaarawan kahapon na ginanap sa compund ng Viva.
Dumating ang kanyang buong pamilya at mga kaibigan sa naturang birthday party. Isa sa mga supresang dumating ay si Kris Bernal na hindi maitatagong malapit talaga sa puso ng rockstar na pinagkaguluhan naman ng mga fans ni Jay.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na almost a year nang nanliligaw si Jay kay Kris. Ang pag-appear kaya ni Kris na ito ay malaking hudyat na malapit na itong sagutin?
Maliban sa TV shows, isa sa mga dapat abangan kay Jay Perillo ay ang kanyang 1st album na naghihintay na lang ng tamang panahon for launching.