Balita namin ay malapit nang lumabas ang kauna-unahang album ni Jay Perillo na mainstay sa Party Pilipinas at Comedy Bar kasama ang 6-feet-long band sa GMA7.
Pinaninindigan pa rin ni Jay ang balitang nasa courting stage pa lang siya kay Kris Bernal for almost a year na. At si Kris naman ang dahilan kaya inspired siyang magcompose ng mga songs.
Sa totoo lang, marami na siyang nagawang kanta na inalay niya kay Kris, pero ang dalawang kantang may title na Nakatanim at When I Saw You, ang napili ng Viva Records na producer ng album.
Sabi ni Jay, lalo siyang ganadong mag-compose ng kanta dahil nandiyan si Kris na patuloy na nagbibigay sa kanya ng inspirasyon.
Willing siyang maghintay na maging okay na si Kris para maging open sa kanilang relasyon.

