Maganda kung totoong nagkabati na ang magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto. Mas makakatulong ng malaki sa kanilang mga karera kung hindi sila nag-aaway.
Mas kiling tayong mga Pinoy sa mga magkakadugo na nagkakaisa, nagtutulungan. Ayaw natin ng mga magpapamilya at magkakamag-anak na nag-aaway-away. Hindi ito kulturang Pilipino.
Kung nagkabati na nga sila, aba malaking tulak ito sa kanilang trabaho, magandang promosyon. May tsansa pa na magkatrabaho sila kundi man sa TV, eh sa pelikula. Doon nila ipakita ang mga galing nila sa pag-arte.