Narito ang opisyal na pahayag ng GMA Network tungkol sa pagpalit ni Iza Calzado sa napapabalitang buntis na si Regine Velasquez sa seryeng I Heart U Pare opposite Dingdong Dantes:
“Nais pong ipaalam ng GMA Entertainment Television na ang role na Tonette o Tonya sa hit series na I Heart U Pare ay gagampanan na ni Ms. Iza Calzado simula ngayong Lunes, April 11.
“Pinayuhan ng kanyang doctor si Ms. Regine Velasquez na pansamantalang magpahinga nang husto dahil sa ‘severe migraine attacks’ niya na maaaring dala ng puyat at pagod sa taping.
“Pinasiyahan ng Network na ibigay kay Regine ang nararapat na pahinga para sa kanyang agarang paggaling.
“Puno ang tiwala ng Kapuso Network sa kakayahan ni Iza na ipagpatuloy at gampanan ang karakter na iiwanan ni Regine at lubos ang pasasalamat ng management sa buong-pusong pagtanggap niya rito.
“Iniimbitahan ang mga taga-subaybay ng I Heart U Pare na abangan ang masasayang eksena nina Iza at Dingdong Dantes sa mga susunod na episode.
“Ang I Heart U Pare ay isang orihinal na konsepto ng Kapuso Network at tuluy-tuloy na magbibigay-saya sa mga manonood gabi-gabi.”