Hindi natinag sa unang puwesto ang GMA Network sa first quarter ng 2011.
Nationwide, nakapagtala ang Kapuso Network 33.7% audience share kumpara sa 31.8% ng ABS-CBN at 15.2% ng TV5, ayon sa AGB Nielsen Philippines.
Sa TOTAL URBAN LUZON, naka-37.2% ang GMA laban sa 26.8% percent ng ABS-CBN at 17.1% ng TV5.
Sa MEGA MANILA, naka-38.3% ang GMA kumpara sa 25.2% ng ABS-CBN at 17.9% ng TV5.
Higit na pinaigting ng Kapuso Network ang kapit nito sa National free-to-air television.
Ayon sa NATIONAL Urban Philippines full March household data (March 27 hanggang 31 ay base sa overnight ratings), naka-34% percent audience share ang GMA 7, kumpara sa sa 31.8% ng ABS-CBN at sa 15.8% ng TV5.
Patuloy ang pangunguna ng mga programa ng GMA sa buong bansa. Sa top 30 programs sa National Urban Philippines, 17 programs ang galing sa GMA.
Kasama rito ang 24 Oras, Eat Bulaga, Temptation of Wife, Captain Barbell at Kapuso Mo, Jessica Soho.
Pasok ang 21 GMA-produced programs sa top 30 programs sa Total Urban Luzon.
Sa listahan ng top 10 programs, anim ang mula sa GMA. Kabilang sa top raters ang Eat Bulaga, 24 Oras, The Baker King, Captain Barbell, Temptation of Wife at Kapuso Mo, Jessica Soho.
Ang Nielsen TV Audience Measurement ay ginagamit ng 21 kumpanya, kasama ang TV5, Solar Entertainment, Faulkner Media, CBN Asia, 13 advertising agencies at tatlong regional clients.