Ini-report ni Jun Lalin sa Paparazzi ng TV5 last Sunday na five weeks pregnant si Regine Velasquez-Alcasid na una na naming nasulat ang pagbubuntis sa Saturday issue ng PSN. Dahil dito, magbabawas ng work load si Songbird, wala ito sa Party Pilipinas last Sunday dahil hindi na puwede ang araw-araw na trabaho.
Last Friday sa birthday party ni Tirso Cruz III, dumalo at kumanta si Regine at nag-radio concert ito noong Saturday. Ang babawasan nito’y ang sobrang pagpapagod at pagpupuyat at mabuti na lang at malapit na yatang matapos ang taping nito ng I Heart You Pare, kaya makakapagpahinga.
Hindi lang muna matutuloy ang balak nila ni Ogie Alcasid na honeymoon sa Rome at Positano, Italy sa June dahil tiyak na pag-iingatin ito ng doctor.