Ang Perlante – isang malaking perlas na pinaniniwalang magdadala ng kaginhawaan sa kung sinumang makakuha nito – ito ang pangarap na makamit ni Eden. At sa husay niya sa pagsisid, tiwala siyang matatagpuan niya ito.
Subalit tutol ang kanyang mga magulang na sina Alicia at Hamill sa balak niya.
Isang tao pa lang ang nakakikita sa Perlante, at ‘yun ay ang ama ni Eden; at paghihirap, hindi kaginhawaan, ang idinulot nito noon…isang nakaraang nais na nilang kalimutan.
Ipinagkasundo na nila si Eden na magpakasal sa kababata nitong si Ahmed, subalit ayaw naman ni Eden na magpakasal sa taong ‘di niya mahal.
Sisidhi ang suliranin ni Eden sa pagdating ni Siegfried – isang mayamang binata na may balak angkinin ang likas na yaman ng isla.
Siya ang magpapatibok sa puso ng dalaga at kunektado pala si Siegfried sa mapait na nakaraan ng pamilya ni Eden!