Year 2007 nang masimulan ang pag-uusap tungkol sa paglipat sa digital television o DTV dito sa Pilipinas ng mga taga-media at ng National Telecommunications Commission.
Ito nga ang makabagong teknolohiya kung saan digital transmissions ang gagamitin sa pag-broadcast ng TV networks, na magtatanggal na ng mga isyu sa pangit na reception, malabo, maingay at iba pang teknikal na aspeto na nakasanayan na nating sistema noon pa.
Luma man o bago ang TV set, ipinagmamalaki ng ABS-CBN ang kanilang pagpasok sa makabagong teknolohiya na siya ring sagot sa mga isyu ng hindi pagkakaroon ng cable sa ibang parte ng bansa.
Kaya naman, tugang na Butch, dahil pabongga na nga nang pabongga ang mga makabagong panoorin, we simply deserve to have better technology for our lifestyle that is TV watching.
Ngayong June 2011 na sisimulan sa market at tinitiyak ng ABS-CBN na hindi ito direktang kumpetisyon sa kanilang cable subscription business dahil nakadisenyo ito sa non-cable users.
Affordable din ang presyo ng digibox na ito na halos kasing halaga lang ng isang DVD player at wala ring monthly fee. Bonus pa ang pagkakaroon ng limang stations bukod sa mga istasyong magiging maliwanag at malakas gaya ng lahat ng mayroon tayo, namely ABS-CBN, NBN, Solar, GMA7, TV5, Studio 23, etc.
Kaya naman bonggang masasabi na kahit sa mga ganito, “fair at balanse” ang ABS-CBN na nagsasabing may panukat din ang DTV pagdating sa ratings.
At ang bagong teknolohiyang ito ay isini-share nga ng Kapamilya sa kanyang Kapuso (GMA7) at Kapatid (TV5).]