Panalo ang ABS-CBN sa national primetime TV ratings noong Marso (6:00 PM-12:00 MN) kung saan pumalo ito sa average audience share na 42%, kumpara sa 30% ng GMA 7.
Ayon ito sa datos ng Kantar Media/TNS.
Nakatutok ang mga manonood nationwide sa mga Kapamilya teleserye na nakakuha ang pinakamataas na TV ratings sa primetime, kung kailan may pinakamaraming viewers at mas nilalagyan ng commercials ng advertisers.
Nakuha ng ABS-CBN ang siyam sa sampung mga programa na pinakapinanood noong nakaraang buwan.
Nanguna rito ang Mara Clara sa average rating na 35.9%.
Ang walo pang Kapamilya programs na na nakapasok sa top ten ay Mutya (34.4%), Minsan Lang Kita Iibigin (33.1%), Pilipinas Got Talent (30.1%), Maalaala Mo Kaya (27.8%), TV Patrol (27.3%), Rated K (25.2%), Imortal (23.9%) at Goin’ Bulilit (22.1%).