May acting workshop si Valerie Concepcion bukas para sa isang bagong teleserye ng TV5.
Hindi ko lang alam kung may kontrata si Valerie sa Kapatid Network o one-shot deal lang ang teleseryeng sasalihan niya.
Noong una ay kontrabida sana siya sa Babaeng Hampaslupa pero hindi siya natuloy roon dahil balitang magkakaroon siya ng show sa ABS-CBN.
Ano kaya ang nangyari at tuloy na siya sa TV5?