Dalawang shows na ang ipu-promote ni Lexi Fernandez dahil bukod sa Tween Hearts, kasama rin siya sa afternoon soap na Nita Negrita na eere na sa February 14, pagkatapos ng Alakdana.
Walang keber si Lexi kung kontrabida siya sa soap, ang mahalaga’y may bago siyang trabaho at ginagalingan daw niya ang acting para maramdaman siya ng viewers at hindi basta dumaan lang. Siya si Misty sa Nita Negrita, kalaban ni Nita (Barbie Forteza) sa lahat ng bagay pati sa puso ni Prince (Joshua Dionisio).
Umiyak sa sobrang tuwa si Lexi nang malamang kasama siya sa Nita Negrita at natuwa rin ang inang si Maritoni Fernandez sa bagong soap ng anak. Biniro raw siya ng ina na i-blowout siya at gagawin niya ito kasama ang kid brother niya.
Open si Lexi sa idea na pagsama-samahin sila ng mga pinsan niyang sina Kylie Padilla at Bela Padilla sa isang soap ng GMA 7.
1 Comment
d who itech?