Ayaw nang i-entertain ni Joshua Dionisio ang mga negang isyu tungkol sa kanila ni Kristofer Martin.
“Sa totoo lang, wala po talagang isyu sa amin, Wala kaming gap. Pag magkasama kami sa taping, walang tensyon sa sinasabi nila.
“Hindi ko nga po alam kung saan nanggaling ang mga intriga sa amin. Hindi ko rin po alam na hindi na pala siya kasali sa Nita Negrita, pero meron naman pala siyang isa pang gagawin, ‘yung Amaya,” hirit ni Joshua.
Sana ay hindi raw maapektuhan ng negatibong isyu ang pagkakaibigan nila ni Kristofer dahil okay raw sila.
Nagsimula ang Nita Negrita kahapon sa Dramarama ng GMA 7, pagkatapos ng Alakdana.