Bibida si Jasmine sa two-part Valentine special ng Pidol’s Wonderland na Jesebilbil sa dalawang magkasunod na Linggo ng Pebrero (6 at 13). Gagampanan niya ang papel ng isang sirenang naging tao, kasama sina Cai Cortez, Karel Marquez at Martin Escudero.
Sa daigdig sa ilalim ng karagatan, nangingibabaw ang isang sirena hindi dahil sa angking kagandahan kundi dahil sa kanyang kabigatan. Sa kagustuhang tuldukan na ang mabigat na problema, nakipagkasundo si Jesebilbil (Cai Cortez) kay Aruana (Karel Marquez) upang gawin siyang tao. Goodbye fats na para kay Jesebilbil at hello sa isang magandang nilalang bilang si Jessa (Jasmine Curtis-Smith).
Siyempre, hindi pinayagan si Jasmine na mag-topless sa eksena na lumalangoy siya bilang sirena.