Sa Feb. 14, na pala magsisimulang mag-co-host ng Eat Bulaga si Iza Calzado at gaya sa naunang tradisyon ng show, guest co-host muna ang aktres for one month and after one month, saka magdedesisyon ang management kung puwede na siyang gawing regular host.
Nagho-host din naman si Iza sa Party Pilipinas at ibang shows ng GMA 7, kaya hindi siya mahihirapan. Kaibigan din niya ang mga hosts ng Eat Bulaga at walang adjustment at ilangan factor na mangyayari.