Tinanggap na ni Glaiza de Castro ang ibinigay na role sa kanya sa big production soap ng GMA-7, ang Amaya.
Makakasama siya ni Marian Rivera sa costume action-drama soap na malapit nang simulan ng network.
Niligawan nang husto si Glaiza ng mga namamahala ng soap opera. Kasi, bagay na bagay sa young dramatic actress ang role niya sa teleserye.
Noong una’y tumanggi si Glaiza sa offer, kasi may mga natanguan na siyang pelikulang gagawin sa Regal Films, at may dalawa pang indie films. Ang isa rito ay ang Paticul na hango sa isang pangyayari sa Paticul, Sulu. Ang ikalawa ay yung Magic Palayok directed by Joel Lamangan.
Anyway, nagkasama na sina Glaiza at Marian sa isang episode ng Show Me Da Manny na ipinalabas two weeks ago. At nakita namin na maganda ang chemistry nila.

