Sa February 24 na sisimulan ang taping ng Ang Spooky Mo Presents… Bampirella na pagbibidahan ni Marian Rivera. Ang horror-comedy ang unang gagawin ng aktres bago ang Amaya na ’di namin nakuha ang pangalan ng director.
Ang balita, ang newcomer at model na si Michael Daez na makakapareha rin ni Marian sa Amaya raw ang leading man ng aktres sa horror-comedy. Pero ang magandang balita, may special participation si Dingdong Dantes, kaya ’yung nakaka-miss sa tambalan ng dalawa, abangan ang Ang Spooky Mo Presents… Bampirella.