Itinanggi ng manager ni Valerie Concepcion na lilipat na ito sa TV5 from ABS CBN.
Pinangakuan naman daw ng Kapamilya Network si Val na hindi pababayaan ma-tapos matsugi ang noontime show nilang Pilipinas Win na Win.
Matatandaang nag-last episode na ang nasabing noontime show noong Friday, (Dec. 31), at ang Showtime naman ay mai-extend ang timeslot bilang kapalit sa oras na iniwan ng PWNW.
Habang naghihintay pa ng project si Valerie ay magbabakasyon muna siya sa Boracay, and she really deserves it dahil tatlong taon siyang nakatali sa Wowowee.
Balak din niyang magpunta sa Singa-pore at super-excited na siya dahil first time niyang magbabakasyon na walang pangamba na may iiwanang show.
Pero bago ang pag-alis ni Valerie ay kinuha siya ng TV5 para lumabas sa Talentadong Pinoy at Face to Face (Untold Story).
Kung hindi ito tanda ng commitment ni Valerie sa Kapatid Network, at pani-mula ng kanyang tuluyang paglipat sa TV5, ano kaya ang maitatawag dito?
Although sinabi niyang ang paglabas niya sa dalawang shows ng TV5 ay hindi raw tanda ng paglipat niya sa Kapatid Network dahil ang loyalty pa rin daw niya ay nasa ABS-CBN at pina-yagan naman daw siyang mag-guest sa kabila.