Mag-isang magse-celebrate ng birthday si Raymond sa Party Pilipinas sa Linggo. May shooting pa kasi si Richard para sa BBFF episode ng My Valentine Girls sa araw na ‘yon.
Kinukumbinsi si Richard ng mga taga-Party Pilipinas na sa susunod na Linggo naman siya magkaroon ng birthday celebration sa show, na malamang ay matuloy dahil kailangan na rin niyang mag-promote ng My Valentine Girls.
Bukas ay may very private dinner sina Richard at Raymond para i-celebrate ang kanilang birthday. Family and closest friends lang ang inimbitahan ng magkapatid para sa dinner na ‘yon.