Na-appoint si Ogie Alcasid ni President Noynoy Aquino sa People Power Commission (PPC) at ang grupong ito yata ang mamamahala sa pagdiriwang ng 25th anniversary ng People Power o EDSA Revolution sa February.
Pero hindi lahat ay pabor sa pagkaka-appoint kay Ogie at sa Twitter nga, may ilang nag-post na baka tumatanaw ng utang na loob si P-Noy sa naitulong ng mister ni Regine Velasquez sa pagkakapanalo nito.
May nag-suggest namang kumanta na lang si Ogie at ’wag nang tanggapin ang maging member ng PPC.
May nagtanggol din naman kay Ogie at sinabing bagay sa kanya ang mamuno sa PPC, lalo na kung kapwa singer at artista ang kakausapin.