Wala nang dapat ikainip ang mga fans nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio dahil malapit nang magsimula ang taping ng kanilang afternoon show sa GMA 7, ang Nita Negrita.
Ilang araw na akong nakakatanggap ng e-mail mula sa mga tagahanga nina Barbie at Joshua. Nag-e-emote sila dahil matagal na nilang hindi napapanood ang dalawa sa mga daily shows ng GMA 7.
Matatapos na ang paghihintay ng mga fans at makukumpleto ang kanilang Valentine’s Day dahil sa Feb. 14 ang airing ng Nita Negrita.