Sina Paulo Avelino, Richie Paul ‘RP’ Gutierrez at ang newcomer na si Alden Richards ang leading men ni Louise delos Reyes sa Alakdana, ang bagong afternoon show ng GMA 7.
Full-time Second Year Resident Academic Scholar si Louise sa Lyceum of the Philippines University at kabilang siya sa mga new stars na ipinakilala ng GMA Artist Center noong nakaraang taon.
Malaki ang pasasalamat ni Louise dahil siya ang napili ng GMA Network para gumanap bilang Adana, ang babae na ipinanganak na may buntot ng alakdan.
Nakadagdag sa kaligayahan ni Louise ang mahuhusay na artista na kasama niya sa Alakdana, sina Jean Garcia, Perla Bautista at ang mga nagbabalik-showbiz na sina Jobelle Salvador at Matthew Mendoza.