Inilunsad na ng GMA si Louise delos Reyes bilang bida sa Alakdana para pantapat kina Erich Gonzales, Andi Eigenmann, Empress Chuck at Jessie Mediola ng ABS-CBN. Obvious naman kung bakit sinugalan ng Kapuso si Louise. Kasi at 17 ay maganda na ang hubog ng pa-ngangatawan niya at labas na labas na ang sensuwa-lidad ng batang aktres.
Kaya nga hinugot siya mula sa grupo ng Tweens sa Reel Love ng Tween Hearts. At ngayon ay tatlo pa ang ibinigay na leading men sa kanya sa katauhan nina Paolo Avelino, Ritchie Paul Gutierrez at Alden Richards.