Kaagad nakasanayan ng baguhang young actress na si Louise delos Reyes ang kanyang buntot na gagamitin sa bagong telefantasya sa hapon na Alakdana.
Hindi siya nabigatan nang isinukat ito sa kanya, kaagad na naramdaman niyang naging bahagi na ito ng katawan niya.
Ganun ka-excited si Louise sa project na ito na magbibigay ng malaking break sa kanyang career.
Magsisimula na ito sa susunod na linggo pagkatapos ng Eat Bulaga. Ang baguhang si Alden Richards ang katambal niya rito kasama si Paulo Avelino na lalong gumanda ang katawan.