Isa sa mga kinoconsider para sa magiging leading man ni Marian Rivera sa epicseryeng Amaya ay si Jome Silayan na apo raw ni Vic Silayan at isang model. Isa siyang Bench model at napanood siya sa Bench fashion show titled UNCUT: A Bold Look At The Future noong July 2, 2010 sa Araneta Coliseum. Isa sa mga nakakatuwa niyang commercial ay ang Lucky Me! Chow Mien kung saan siya ay isang Kung-Fu master.
Isa lang siya sa tatlong pinagpipilian ngayon na nakapasa na sa mga series of auditions at ang pinakahuli nga ay ang pagsusuot ng bahag na magiging costume niya sa series na Amaya.