Nananatili ang pagtangkilik sa GMA Network ng mga manonood sa Mega Manila nitong nakaraang taon ng 2010.
Ayon sa datos ng AGB Nielsen, nakapagtala ang GMA Network ng average people audience share na 36.3% sa Mega Manila noong 2010, kumpara sa 32.7% ng ABS-CBN.
Nasa Mega Manila ang 55% ng total urban television households sa bansa.
Sa December ratings data (December 26 to 31 ay base sa overnight ra tings data), umakyat ang lamang ng GMA Network sa pagtatala ng ave rage audience share na 35.8% kumpara sa 26.6% ng ABS-CBN.
Labing-siyam sa top 30 highest rating programs nitong December ay mula sa Kapuso Network.
Nanguna sa lista han ng mga leading program ang A Duet to For ever wedding special nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez na 45.6% ang audience share.
Pangalawa ang Kapuso Mo, Jessica Soho (37.8%). Pangatlo ang Survivor Philippines, Celebrity Edition (30.4%)
Pumasok din sa overall top 30 programs noong December ang Eat Bulaga, 24 Oras, Kap’s Amazing Stories, Bantatay, Jillian: Namamasko Po, Grazilda at Beauty Queen.