Naging maganda para kay Dingdong ang taong 2010. Ayon sa kanya, sobrang dami pa raw na promising na posibleng maganap sa kanya ngayong 2011.
Pang-opening salvo na nga ni Dingdong ang bago niyang teleserye with Regine Velasquez, ang I Heart You Pare, at sa January 10 naman ay bukod-tanging siya lang sa mga artista ang nakasama sa list na bibigyan ng People Asia ng recognition as Outstanding People of 2010 sa kategoryang Entertainment and Philantrophy.
On the other hand, nang tanungin namin siya kung ano ang naging Christmas gift nila sa isa’t isa ni Marian, mabilis nitong sinabi na ang pagkakaloob ng isang sponsorship kay Marian sa hydrocephalus foundation ang tinutukoy niyang life-changing, dahil may buhay ng isang bata raw na mababago.
Ayaw naman i-reveal ni Dingdong ang iba pa niyang Christmas gift kay Marian. Pero si Marian daw, isang relo na gustung-gusto niya ang iniregalo sa kanya.