Sa March pa ang airing ng Pagbabalik ni Captain Barbell dahil tatapusin muna ni Richard Gutierrez ang shooting ng Suddenly It’s Magic, ang kanyang Valentine movie na next month na ang playdate dahil sa isang buwan ang Valentine’s Day di ba?
Actually, naglalagare si Richard sa taping ng Captain Barbell at sa shooting ng Valentine movie. It’s a must na pagsabayin ang kanyang dalawang project para hindi siya magahol sa oras.
Kakaibang Captain Barbell ang mapapanood sa GMA 7 dahil magkakaroon si Richard ng superfriends at ilan sa kanila eh nakasama at naging kaibigan niya sa set ng Survivor Philippines sa Ranong, Thailand.
Kasisimula pa lamang ng 2011 pero fully-booked na si Richard hanggang sa katapusan ng taon. Ganyan ka-hectic ang kanyang schedule.