Si Sarah Geronimo ang unang naisip na maghost ng Born to be a Star ng TV5 kung saan ay ina-announce pa ito ni Willie Revillame sa kanyang programang Willing Willie.
Dahil nga hindi natuloy si Sarah na nanatiling Kapamilya ay balita naman ngayong si Willie Revillame na ang maghohost nito. Sabagay, panghatak pa rin talaga si Willie sa mga viewers. Hindi rin mahirap dahil ito ay production ng Viva Entertainment kung saan kasama ni Willie sa mga handle nitong talents.
Same format din kaya ito ng Star Factor ng TV5 na dating nahost na ni Ruffa Gutierrez?