This Monday na ang last taping day ng Beauty Queen na magtatapos na sa February 4 at eksena nina Iza Calzado at Katrina Halili na naka-two-piece ang isa sa mga kukunan ni Direk Joel Lamangan.
Si Katrina, mula nang malamang magtu-two-piece uli siya’y, nag-diet agad gamit ang kanyang apple diet. Si Iza, hindi na kinailangang mag-diet dahil payat-payatan ito ngayon, tuluy-tuloy lang ang pagtakbo niya at ipinagmalaking 15k na ang pinakamalayo niyang natatakbo.
Mami-miss ni Iza ang Beauty Queen pati na ang friendship na nabuo sa kanyang co-stars, gaya ni Beth Oropesa na gumaganap na mother niya. Nanghinayang ito na ’di sila nagkaroon ng chance na makapagtsikahan ni Katrina dahil madalas ang mga eksena nila’y, nag-aaway at parehong galit.
Wala pang next soap si Iza, pero busy pa rin ito. Sa February, tuloy na ang paggi-guest co-host niya sa Eat Bulaga at leading lady din siya ni Sen. Bong Revilla sa Panday 2.
Sa mid-February, ilo-launch siyang newest Flawless endorser at isang naka-two-piece na Iza ang nasa billboard ng Flawless ngayon.