Obvious na si Barbie Forteza ang naba-blind item na bagets na may attitude problem.
Ayon kasi sa blind item, umiyak ang teenager na dapat ay siya ang bida sa Alakdana, pero dahil sa may attitude problem nga raw ang bagets at hindi nag-attend ng audition, ibinigay sa iba ang role.
Ibinigay pang clue sa bagets na may attitude problem, na umano ito ay famous doll, so, walang iba kundi si Barbie Forteza ang tinutukoy sa blind item.
Ang isa pang isyu, nagalit daw si Bea Binene nang hindi sa kanya ibinigay ang role sa Alakdana. Mas hamak na bagay daw kasi sa teenager ang maging Alakdana dahil sa naglalaro siya ng Wushu, kumpara kay Louise delos Reyes na napili sa title role na magsisimula nang mapanood sa January 24 sa GMA7.
Pero kaagad naman itong itinanggi ni Bea dahil magkaibigan at close raw sila ni Louise mula nang magsama sila sa Tween Hearts.
Pagtatanggol naman ng program manager ng Alakdana sa mga isyung naglabasan: “Kay Louise (delos Reyes) po talaga na-assign ang Alakdana kaya hindi na kami nagpa-audition for the female role.”
So, hindi rin pala totoo dahil hindi nag-audition si Barbie kaya hindi sa kanya ibinigay ang role?
Anyway, tinanggal na si Louise sa Tween Hearts para makapag-concentrate sa kanyang first solo Kapuso drama series.
2 Comments
obvious ba na napakasinungaling ng nagsulat ng balitang yan?! bagay sa kanya ipakain sa buwaya sinungaling sya!!!!
may attitude problem si Barbie!!
ah!! isa pa nman sya sa hinanangaan kung artista T__T
bkit nman tinanggal pa si Louisse sa Tween Heart pambihira, ganyan nman lagi eh!
pag may new show or main role sa upcoming dramas, papatayin o aalisin ang role nya sa currently dramas, kainis tlga yun..sana wala ng gnun,,