Tama ang kaibigang Vinia Vivar, parang aping-api si Willie Revillame sa mga nangyayari sa kanya. Para bang pinagtutulungan siya at nagsusumbong sa kanyang nanay at tatay matapos siyang sampahan ng P127M Copyright Infringement Case sa Makati RTC ng ABS-CBN na nagkaroon ng unang hearing kahapon at dinagsa ng mga mandurukot.
Parang inosenteng-inosente siya na nakaputi pa ng damit.
Parang hindi niya rin alam na parehong-pareho sa kanyang nilayasang programa sa ABS-CBN na Wowowee ang programa niya ngayon sa TV5 na Willing Willie.
Actually, hindi na naman talaga puwedeng ilihim ‘yun. Nung minsang masilip namin ang programa, oo nga parang nanonood ako ng ABS-CBN. Ang kaibahan lang, wala pang maraming commercial ang programa niya sa TV5 kumpara sa ABS-CBN na tambak ang commercials noon.
Ang bilis naman kasi niyang makalimot. Parang ‘di niya maalala na ang perang puhunan niya ngayon sa pagpo-produce ng kanyang Wil Productions ay galing sa programang Wowowee ng ABS-CBN.
Nagkaroon siya ng milyung-milyong ipon, magagarang kotse, island sa Mindoro, magagandang bahay at kung anu-ano pang ari-arian dahil sa nasabing programa tapos siya pa ngayon ang inaapi.
Eh saan nga ba galing ‘yun? Di ba nang bigyan siya ng break ng ABS-CBN sa programang Wowowee?
‘Yun ngang ginagawang building ni Willie Revillame, nilagyan pa nila ng higanteng billboard ng programa niya sa TV5 sa mismong harap ng building ng Dos. Kung hindi ba naman nang-iinis talaga di ba?
Pinalalabas din ngayon ng kampo ni Willie na naghihiganti lang ang ABS-CBN sa nangyari. Pero agad sumagot ang Dos sa pamamagitan ng isang statement :
“Ang ABS-CBN ay nagsampa ng kaso para maprotektahan ang karapatan nito sa ilalim ng batas. Hindi ito paraan ng paghihiganti sa kahit na sino man. Ang infringement ng intellectual property rights
ay isang seryosong kaso na maihahalintulad natin sa pagnanakaw. Para rin itong plagiarism na mariin ding ikinokondena ng publiko.
“Lehitimo at may katuwiran ang kasong isinampa ng ABS-CBN at ipaglalaban pa rin ito sa korte.”
Si Mr. Bong Osorio, Head, ABS-CBN Corporate Communications, nakapirma sa statement.
Bukas, Huwebes ang susunod na hearing para sa nasabing kaso ng ABS-CBN laban sa kanilang dating alaga kaya abangan natin ang kahihinatnan ng kaso dahil mismong si Marilou Almaden, ABS-CBN executive ay tumestigo na hindi lang naman si Willie ang nag-iisang bumuo ng Wowowee kaya hindi niya puwedeng angkinin na sa kanya ‘yun.
“Willie was not the only one who put the show together… Hindi namin siya pinipigilang lumabas sa kanyang programa, huwag lang gamitin ang konsepto ng Wowowee dahil ABS ‘yon. Come up with something unique naman,” sabi ng head counsel ng ABS-CBN na si Bong Susmero.
3 Comments
Paawa effect yang si Willie. Puro drama sa harap ng camera para mukha simpatya ng mga tao pero ang totoo napakasam ng ugali niya. Alam niya at TV5 na di pa tapos ang contract ni Willie sa ABS-CBN pero iyon kinuha nila at tinuloy ang programa. Im not against the program pero kahit sinong kumpanya ipaglalaban ang karapatan nila lalo na kun ang empleyado nila ay may kontrata pa sa kanila. Parang tanga ang TV5 parang di nila alam yon. Sila yata ang desperado dahil ayaw nilang mawala si Willie sa kanila lalo na ngayong maganda ang takbo ng TV5. ay naku para matapos yang problema tapusin muna ni willie ang kontrata niya. Saka totoo naman parang nilipat lang ni Willie ang Wowowee sa TV5 at ginawa lang Wiling Willie. Katarantaduhan lang at bulag lang ang magsasabing hindi magkaparehas ang wowowee at wiling willie.
inggit lang kau…di nyo matanggap na gusto pa din ng marami si willie…at nagkagulo na mga programa ng abs dahil nawala ang wowowee..amiminin ng abs na nagkamali din sila ng tanggalin nila ang wowowee.. Beh!!!
akala m qng cno na sya d nya naman pera yung binibigay nya sa mga tao. magaling lang syang magsalita sa tao.pero sa isang banda marami nga lang syang n22lungang tao.kaya lang akala mo qng cnong malinis.pati yung mga dancer nya minsan d nya alam nababastos na nya. pati si ms.shalani nababastos na nya.yung mga pinariringan nya mga na2lungan din naman sya eh. kaya sana qng magshoshow sya sana medyo gandahan naman nya ang mga words nya.