Gusto ng TV5 at creative staff ng Babaing Hampaslupa na si Susan Roces ang gumanap na lola sa nabanggit na primetime soap ng istasyon, pero hindi pa yata na-o-offer sa aktres ang project.
This December na raw ang start ng taping at early January 2011 ang airing nito.
Kapag tinanggap ni Susan ang project at natuloy siya, ang suwerte ni Alex Gonzaga dahil makakatrabaho niya ito at si Alice Dixson na gaganap na kanyang ina.
Matsa-challenge nang husto ang TV host-actress para ilabas ang lahat ng alam niya sa pag-arte.
Naintriga kami sa iba pang bubuo ng cast ng soap dahil kung hindi taga-ABS-CBN ay galing ng GMA-7.
Kapuso aktres ang kinukuhang maging main contravida ni Alex, pero hindi pa yata nito tinatanggap ang offer at tinitingnan pa kung alin sa offer ng GMA-7 at TV5 ang mas maganda.
Ang leading man ni Alex ay galing ng ABS-CBN, pati ang isa pang may important role sa soap.