We learned na hindi lang si Aga ang pinipirata ng Kapatid Network kundi maging si Angel Locsin, alaga rin ni Manay Ethel Ramos.
Pero ang alam namin, may existing contract pa ang aktres sa Kapamilya channel hanggang 2012 kaya imposibleng makuha ito ngayon.
Nalulungkot naman ang isang ABS-CBN insider na nakausap namin dahil sa ginagawa ng TV5 na pagkuha sa mga artista nila kahit buhay na buhay pa ang mga kontrata.
Napabalita rin kasing bukod kina Aga at Angel, pinipirata rin sina Sam Milby, Piolo Pascual, Sarah Geronimo, Boy Abunda, Anthony Taberna at Karen Davila, to name a few.
“Kaya nagkakaroon ng demandahan, it’s because namimirata sila ng talents na nakakontrata pa, inaalok nila ng malaking talent fee kaya nagkakaganu’n.
“Tulad ng ginawa nila kay Willie, alam na alam naman nilang buhay na buhay pa ang kontrata sa ABS-CBN, bakit nila kinuha? Nagkagulu-gulo tuloy,” say ng aming kausap.
Puwedeng-puwede naman daw kunin ng TV5 ang serbisyo ng mga artistang nasa ABS-CBN, pero sana, hintayin munang matapos ang kontrata ng mga ito.
“Respetuhan lang naman ’yan,” say pa ng aming kausap.
8 Comments
GAYA-GAYA PLASTIK AT PIRATA CAPITAL ANG TV5
MAYAMAN ANG MAY ARI NG TV5…KAYA KAHIT GMA AT ABS-CBN KAYANG BILHIN NI MANNY PANGILINAN…ARTISTA PA KAYA??
ang ganda ng palabas ng willing willie nakaktats he
di nman pwede ang ganon!!!!!!!!!!!!!!
hindi nman pwede yun!!!!!!!!!!!!!!!!
hindi nman pwede yun!!!!!!!!!!!!!!!
ang pogi nyo nman mayaman lang kyo ngunit walang mmakakapagpasaya sa amin kundi ang team kpamilya lang!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!more power
lopez is richer than manny pangilinan… kaya lang… nangongontrata kc ang tv 5 kht d p tapos ang kontrata ng mga artists sa 2 or 7