Ang magkakapatid na Ruffa, Raymond at Richard Gutierrez ang hosts ng Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival sa December 26 sa Meralco Theater.
Hindi rin pala natuloy sina Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas na sabi’y magho-host ng awards night, pero presenters na lang. Si Toni Gonzaga ang original choice to host the awards night na ’di rin natuloy.
Siguradong nakahinga nang maluwag si Tess Celestino ng Airtime Marketing na producer ng awards night dahil may hosts na siya at tatlo pa. Kahit taga-TV5 na si Ruffa, pinayagan pa rin siyang mag-host ng awards night na mapapanood sa GMA-7.